| |
Gabay sa Pag-aalaga ng Alimango (Mudcrab)
Ang alimango o mudcrab ay itinuturing na isang mahalagang
pagkain mula sa dagat . Mainam pagkakitaan ito dahil masarap
ang lasa kaya mataas ang halaga sa merkado.
Ang buntis na alimango o gravid o pregnant na maraming itlog
at aligue ay iniluluwas sa ibang bansa tulad sa Hapon, Tsina,
Honkong, at Taiwan. Naniniwala ang mga intsik na ang alimango
ay may dalang katangiang gamot na makakabuti sa mga nagkakaedad
at mga nagpapagaling sa sakit.
Uri ng Alimango
Hindi lahat ng nag-aalaga ng alimango ay alam kung alin ang
pinakamagandang uri dahil sa biglang tingin, halos magkapareho
ang anyo. Lingid sa ating kaalaman ang may pinakamataas na uri
at pinakamahal ang presyo ay ang uring Scylla o
mas kilala sa tawag na higanteng alimango o "king of
crabs". Ito ay may apat na uri: Scylla serrata,
Scylla olivacea, Scylla traquebarica, at Scylla paramamosain.
Ang Scylla serrata ang pinakapaboritong alagaan
ng mga magsasaka, madali itong palakihin at patabain. Mas mabilis
lumaki ang uring ito. Ang iba ay tumitimbang ng 1 kg. pagkaraan
ng 6 na buwan. Kapag palagian o regular na pinapakain, maayos
itong nabubuhay sa dagat-dagatan of pond. Bihira itong naghuhukay
sa putik o burrow kung kaya walang napipinsalang dike.
Ang maliit na alimango o crab seeds ay hinuhuli ng mga mangingisda
sa tabing dagat at sa iba pang tirahan ng alimago, at ipinagbibili
sa mga fishpond operators.
Ang alimango ay pinalalaki sa tubig na pinaghalong tabang
at alat o brackish water. Maaring pagsabayin ang pag-aalaga ng
alimango at bangus, subalit hindi ang alimango at sugpo dahil
kinakain ng alimango ang sugpo kapag nagsimula nang magluno ang
huli. Kailangan lagging may mapagkukunan ng semilya o crab crab
seeds sa lugar na pagtatayuan ng crab farm.
Pag-aalaga at Pagpapataba ng Alimango
A. Unang Paraan
| 1. |
Pumili ng lugar na may sapat na
brackish water, 10-20 part per thousand [ppt] ng kaalatan. |
| |
 |
| |
|
|
2. |
Tiyakin ang uri ng lupa ay maputik
mabuhangin o sandy nived at hindi malagkit. |
|
|
| 3. |
Magsala-sala ng kawayan, dalawang
metro ang taas parang banig. Ito ang ibakod sa dagat-dagatan.
Itusok sa lupa ang kawayan, dalawang pulgada ang lalim ng pagkatusok
para sa maayos na pagkatirik nito. Mula sa bukana ng dike, lagyan
ng banatan o bamboo screen ang pangunahing dike upang hindi makawala
ang alimango. |
| |
 |
| |
|
|
4. |
Patubigan ang dagat-dagatan, na
may 50-70 metro ang lalim. Kailangan may maayos na daluyan ng
tubig para mapanatiling malinis ang tubig. |
| |
 |
| |
|
|
5. |
Ilagay ang 2-3 piraso ng katang
o batang alimango na may timbang na 10-15 gramo bawat isa. Sa
bawat isa. Sa bawat ektarya kinakailangang maglagay ng 2,000-5,000
semilya o crab seeds. |
|
6. |
(a) Hindi malaking suliranin
ang pagkain sa mga semilya dahil kumakain ito ng lumot na tumtubo
sa palaisdaan.
(b) Pakainin ang lumalaking alimango ng maliit na isda,
tinatawag na transhfishes, 5-8% ang dami batay sa timbang ng
alimango. Timbangin ang alimango kada 20 araw upang malaman ang
tamang dami nang ipapakain. |
| |
 |
| |
|
|
7. |
Anihin ang alimango pagkaraan
ng 90-120 araw. |
B. Pangalawang Paraan
|
1. |
Alagaan ang alimango sa lugar na
ang tubig ay may sapat na alat, 10-20 ppt salinity. |
| |
|
|
2. |
Gumawa ng bamboo cages, mga hawlang yari
sa kawayan isang talampakan ang taas at isang talampakan din
ang luwang. |
| |
|
| |
|
|
3. |
Sa bawa't hawla, lagyan ng alimangong may timbang
na 150-200 gramo. Ilagay ito sa fishpond at alagaan ang mga alimango
sa loob ng 15 araw. |
| |
|
|
4. |
Dalawang beses na pakainin ng 10-20 gramong "trashfishes"
sa isang arw (isa sa umaga at isa sa hapon). Dagdagan kung kinakailangan. |
| |
|
|
5. |
Pagkalipas ng 15 araw, mapupuna na ang balat
nito sa likodo carapace ay 12-15 sentimetro na ang lapad.
Ang bawat alimango ay tumitimbangng mga 250-300 gramo. Ito ay
palatandaan na ang mga alimango ay maari nang anihin at ipagbili. |
| |
|
Pag-aani
|
1. |
Handa nang ipagbili ang mga alimango
kapag ang isa o dalawang piraso ay tumitimbang ng isang kilo. |
| |
|
|
2. |
Ang alimango ay hinuhuli sa pamamgitan
ng bintol (traps), panukot (hooks), sakag (scissor net) at pante
(gill net). |
| |
|
|
3. |
Ang mga alimango ay ipinagbibili
ng buhay at puwedeng manatiling buhay kahit wala sa tubig ng
pitong araw. Kailangan lamang na panatilihin sa mahalumigmig
na lagayan at palaging basain ang alimango. |
| |
|
|
4. |
Talian ang mga alimango ng tuyong
dahon ng sasa magkabilang sipit malapit sa tiyan. |
| |
 |
|